Marahil naitatak na sa isipan ng bawat kasapi ng kapatiran ng Alpha Kappa Rho na matinding kalaban o katungali ang Tau Gamma Phi ng ating grupo... Pero nakakalungkot isipin na karamihan sa kasapi ng ating grupo ay hindi alam ang dahilan o ang ugat kung bakit itinuturing natin silang kaaway... ano nga ba ang kapatiran? ito na marahil ang pinakamalalim na pundasyon ng ating grupo, pero nakakalungkot isipin na karamihan o mayorya ng miyembro ng Alpha Kappa Rho hindi alam ang tunay na kahulugan nito... marami pa rin sa atin na mababaw ang binibigay na kahulugan ng salitang kapatiran marahil na din siguro sa kakulangan ng kaalaman bago pumasok sa grupo. sana manlang mabigyan ng kaukulang importansiya o mabigyan kahit munting edukasyon o kaalaman ang mga papasok sa ating grupo... kapatiran nga ba o kapahamakan..? sa aking paglalakbay sa marami na ring lugar sa pilipinas, masasabi ko pa rin na kahit papano ang sinilangan kung lugar sa pagiging Skeptron ko ay binibigyan pa rin importansya ang salitang kapatiran. kung ang lahat ng miyembro natin ay may sapat na kaalaman natapos na sana ang away na ang karamihan hindi alam ang dahilan, kaya nga minsan hindi natin masisisi ang iilan na masama parin ang tingin sa ating grupo.... Dito sa cebu kung saan andito ako ngayon, walang katahimikan sa isipin ng bawat miyembro ng magkabilang grupo, ang nakakalungkot nito hindi alam ang tunay na pinagmulan ng gulo...kaya ang hangaring kapatiran ay nagiging kapahamakan... ang kamatayan at ang pumatay ay hindi sukatan ng pagiging tunay na mandirigma o ng pagiging Skeptron...
Sana manlang sa pasimula ng munting ideya at sulating ito ay mabigyan tayo ng kunting kaalaman at mamulat na din... at sana mabuhay na ang totoong Kapatiran...
Hangang sa susunod.... Mabuhay tayong lahat...


No comments:
Post a Comment