SAAB AND BULAN COUNCIL WEBSITE

SAAB AND BULAN COUNCIL WEBSITE
click the logo to visit alpha kappa rho bulan website

Friday, December 25, 2009

pano ba ako nasali sa ALPHA KAPPA RHO?..



alam ko hindi nmn importante sainyo kung pano ako nasali sa ALPHA KAPPA RHO, ngunit nais ko lamang ikuwento  kung pano ako nasali sa ating kapatiran..maraming tao and dahilan at maraming pagkakataon ang naging daan..ito ay kuwento ng pagiging skeptron ko,..


isa lamang akong estudyante dati ng Sorsogon State College at nagkataong may kakayahang maglaro ng Soccer (Football), kaya nasali sa varsity ng nasabi kong kolehiyo..isa sa mga kasama ko sa varsity ay si jhonatan victor,..(oo ang ka-brod natin)..di pa siya skeptron noon at lalong hindi rin ako..naging mag-kaibigan kami noon dahil sa soccer..masaya sa mga laro at mga ensayo namin, lalo na pag malapit na ang SCUAA...sabay naming pinagsaluhan ang syempre ang kampeonato noon, gold medal kami eh..hehehe..nangarap na makakapaglaro sa Palarong Pambansa, ngunit sa malas alang pundo ang bicol region kaya nasalat ang mga pangarap nmin..


kasabay ng pagkawala ng pangarap namin sa Palarong Pambansa, bigla ring nawala si jhonatan..nagkikita kami minsan ngunit hindi na kagaya ng dati dahil sa hindi na sya pumapasok ng paaralan..isang gabi napadaan ako sa zone-6 (dito nagsimula ang ALPHA KAPPA RHO)..nagkita kami ni jhonatan na isa na palang miyembro ng ALPHA KAPPA RHO, kasama ng aking isang kaibigan hinikayat kami ni jhonatan..kahit ayaw ko sa mga fraternity noon, dahil sa aming pagiging magkaibigan sumali ako..dumaan ako sa mga pagsubok, mahirap ngunit pinilit ko kasi alam ko andon siya sa likod ko..pagkatapos ng mga pagsubok, sa awa ng diyos ako ay nagtagumpay..naging isa na akong "skeptron"..naging mas malalim ang aming pagkakaibigan ni brod jhonatan,..at kahit ayaw ko sa mga fraternity noon naging masunuring miyembro ako ng ALPHA KAPPA RHO..sumasama sa mga initiation sa mga bagong gustong sumali sa kapatiran..naging opisyal sa iba't-ibang poisisyon, at pinandigan ang pagiging skeptron..


mula noong bago palang ako, hanggang ngayong andito ako malayo sainyo..sa utak at puso ko skeptron ako..pilit pa ring umaasa na sana maging magandang halimbawa ang ating kapatiran sa ibang mga grupo..sarap balikan ng mga magagandang alaala ng aming pinagsamahan, ngunit masarap para sa akin kung maganda ang takbo ng ating kapatiran sa kasalukuyan at kinabukasan..


hanggang sa susunod na blog nlng mga bros and siters,,long live..merry christmas and a happy new year..

No comments:

Post a Comment