SAAB AND BULAN COUNCIL WEBSITE

SAAB AND BULAN COUNCIL WEBSITE
click the logo to visit alpha kappa rho bulan website

Thursday, January 7, 2010

BAGONG TAON AT BAGONG PANGARAP

"ang nakaraan ay di lamang dapat maging bahagi ng kasalukuyan kundi dapat maging isang mabigat na dahilan kung bakit inyong tintahak ang landasin ng kapatiran"..isang napakabigat na mga kataga mula sa isang tunay na skeptron na noon ay nanindigan para sa sinasabing walang kwentang kapatiran na walang ibang gawain kundi ang maghasik ng kaguluhan..ngunit pinilit na ibahin ang tingin ng mga tao sa ating kapatiran..


bagong taon na naman, isang taon na naman ang lumipas..alam ko tuloy pa rin tayong lahat ay nangangarap na mapabuti ang ating kapatiran, hindi lamang sa mga gawaing mali nating lahat kundi ang maging mabuting kapatiran sa mata ng mga mapanuring mata ng mga mamamayan..patuloy tayong nangangarap na maging tunay tayong tanggap ng publiko, matanggap ng ating mga magulang na tayo ay kasapi ng ALPHA KAPPA RHO..oo, marahil mahirap nilang maintindihan na tayo ay isa nang miyembro, at mahirap nang baguhin ang kanilang isipan na tayo ay nagsusumikap na maging mabuting kapatiran sa kumunidad na ating kinabibilangan..ngunit alam ko katulad ko, patuloy din kayong nangangarap na mapabuti ang maging katanggap-tangap ng ating kumunidad ang ating kapatiran..at alam ko na maraming skeptron na kagaya namin ang patuloy na gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng ating kapatiran..


bagong taon bagong pangarap..kayong mga skeptron ngayon ang aming magiging lakas para sa aming mga pangarap, ating mga pangarap..pagsumikapan po nating maging maganda ang ating kapatiran hindi lamang sa mata ng lipunan kundi sa ating mga sarili..


mabuhay tayong lahat..

No comments:

Post a Comment