Buo ang aming pangarap namin noon at may determinasyon na tahakin ang landas ng kapatiran... Ito rin ang naging ugat ng matibay na pagkakaibigan, hindi lang ordinaryong pagkakaibigan kundi isang malalim na samahan...
Kung may dapat ipagpasalamat ang mga kapatid natin sa Alpha Kappa Rho (Bulan) ito na marahil ang pagbalik tanaw sa nakaraan, walang sinuman ang lubos na nakakaalam sa kasalukuyang kasapi ng kapatiran kung ano ang mga pinuhunan at sakripisyo ng mga taong pilit itayo at ipaglaban ang ating kapatiran sa mga kritisismo ng iilang hindi tayo maiintindihan,ang mga taong nangarap ng isang matibay at totoong kapatiran. Ang inyong landasin tinatahak sa kasalukuyan ay bahagi lamang ng landasing binuo at pinaghirapan ng nakaraan. Alaala ko sa nakaraan ay buo pa rin... ang pagsisikap at paghihirap, ang panaginip at pangarap at ang dugo't pawis ay sapat na para inyong pag-ingatan ang kasalukuyang inyong tintahak na kapatiran.
Kung kayo sana noon ang nasa aming katayuan ay inyong lubos na mauunawaan at mararamdaman kung bakit ganito na lamang aking saloobin... ang nakaraan ay di lamang dapat maging bahagi ng kasalukuyan kundi dapat maging isang mabigat na dahilan kung bakit inyong tintahak ang landasin ng kapatiran...
Ang pangarap ko at pangarap ng nakaraan ay panaginip na lang na dapat tuparin ng kasalukuyan... Isang mataas na pag saludo sa bahagi ng nakaraan... Kay kapatid na Xenon mananatiling buhay ka at mga pangarap mo para sa kapatiran sa aming puso... Ito'y para para sayo....
Mabuhay tayong lahat... Mabuhay ang Alpha Kappa Rho....
No comments:
Post a Comment